Monday, March 30, 2020

Hope in COVID19 (Day 4 of 5)



TIME FOR REFLECTION
5 Bagay na Magbabago Dahil sa COVID19


Habang nag-iisip ako ng isusulat ngayon. Isa sa tinanong sa sarili ko ay kung ano ba ginagawa o napapansin ko ngayon na nabago dahil sa quarantine?


 At dyan pumasok ang limang observations ko. Ang mga ito ay:


The Way We Communicate
Sa nakikita ko, tataas ang bilang ng mga government agencies at businesses mag maximize sa paggamit ng Social Media at Email to communicate, to inform or to ask for feedback.


The Way We Organize Our Files
I realized din the importance ng meron ka Centralized Digital Storage para makapag collaborate ang team mo anytime at anywhere.

Imagine, hindi mo na kailangan dalhin 1,000+ documents just to work anywhere.


The Way We Buy
Para magsurvive, mapipilitan mag Level-up ang mga restaurants at retail store sa sistema nila sa Delivery.

Kailangan na lang nila matuto mag advertise sa Facebook effectively para ma inform at mag crave ang mga tao sa bahay.


The Way We Use Social Media
Sa timeline ko, madami ako nakikitang positive content nila Mayor Vico at Mayor Isko. Tapos puro negative content naman ang nakikita ko post kay Mayor Joy Belmonte.

Na realized ko lang kung gaano ka powerful ang Social Media sa pagbuo o pagsira ng isang tao.

Dahil sa social media, jinujudge natin agad yung tao kahit hindi natin alam ang buong istorya at kahit hindi pa natin na verify kung totoo ang mga ito.


The Way We Learn
Kahit majority pa din ng estudyante ay gustong mag-aral sa classroom. At hindi lahat ng teachers ay comfortable magturo ng Online,


Madadagdagan ang eskwelahan na magtuturo online. Isang halimbawa nito ay ang TESDA Online Program kung saan pwede ka mag-aral anytime at anywhere. (www.e-tesda.gov.ph)


Meron ba akong hindi naisama?

1 comment: