Monday, March 30, 2020

Hope in COVID19 (Day 5 of 5)




THERE IS HOPE
Ano ang 6 na Bagay na Pwede natin Gawin Ngayon?


Nahihirapan ako mag-isip kung sino ang mga businesses na panalo at sino ang talo crisis na ito. Kasi alam ko na talo lahat tayo dahil sa domino effect na dulot ng COVID19.


Buti na lang talaga at may Enrile Memes na nagpapasaya sa akin. haha


Ano nga ba ang pwede natin gawin sa oras ng Crisis?


1. Be Proactive. Malungkot man ang nangyayari sa atin, focus muna tayo sa bagay na kontrolado natin.


Hindi natin kontrolado hanggang kailan ang quarantine, pero kontrolado natin kung ano ang gagawin natin habang nasa loob ng bahay.


2. Be Productive. Hangga't maari, sulitin ang halos isang buwan natin sa loob ng bahay. Kapag tapos na ang Quarantine, magiging busy ka na ulit.


Magbasa, Magsulat, Mag-exercise, Maglinis, Mag garden, at Magplano ay mga ilan sa mga bagay na pwede mong gawin habang nasa bahay.


3. Be Compassionate. Hindi maganda na sabihin sa tao na ang crisis na ito ay Hulog ng Langit lalo na sa mga frontliner, kamag-anak, o kaibigan na nagugutom at namamatay dahil sa COVID19.


4. Be Informed. Humanap ng paraan para maging updated sa Announcement, Rules, Schedule, at Tips sa bayan natin.


Kapag may suggestions o katanungan sa mga Enforcers, mas maganda kung kausapin muna ang taong involve para malaman kung bakit ganoon ang nangyayari.


5. Be Grateful. Maging appreciative tayo sa mga dadating na tulong. Dapat tayo ay magpasalamat maliit man o malaki ang dumating na tulong. Kapag grateful ka, malaki chance na tutulungan ka nga mga tao.


6. Be a Hero. Kung concern ka sa bayan, madami paraan para tumulong. Pwede ka magbigay ng pera o pagkain. Pwede ka din magbigay ng talent at oras mo. Ang kagandahan dito, pwede mo itong gawin kahit ano religion or political party mo.


Alam ko na mahirap ang sitwasyon natin ngayon. Pero naniniwala ako na makakayanan natin lahat ito kung magtutulungan tayo.


Para sa may mga idea kung saan pwede mag donate or mag volunteer ang mga tao, Feel free to comment para din makita ng ibang tao.

No comments:

Post a Comment