Wednesday, November 27, 2019

4 Tips on How to Save Money



“It’s not how much money you make. It’s how much money you save.”

Nagsimula ako magkaroon ng ipon noong college pa ako. 

Nakita ng katrabaho ko dati ko kung gaano ako katipid. Kadalasan kasi tuna at nilagang itlog lang ang ulam ko. Nauna pa nga sila sa akin nagsawa sa baon ko, haha


Ano ang resulta dahil Nag Ipon ako?

Isa sa mga benefits ng maaga akong nag ipon ay,

Nakabili ako ng mga assets tulad ng computer, shelves, chairs, at table para sa office ko. Nakabili ako ng mga libro at nakapag enroll sa seminars na gusto ko.

Heto ang ginamit ko para mag-umpisa ng business noong 24 years old ako. Buti na lang at nagsimula ako mag ipon ng P1,000 kada buwan noong 7 years ago.

Para sa iba, maliit lang ito. Pero heto lang kasi ang afford ko na i-save noon. Kahit ganoon, masaya pa rin ako dahil hindi ako baon sa utang.

Sa mga gusto ng tips on kung paano magkaroon ng ipon, this blog is for you.


4 Tips on How to Save Money


1.     Start with Your Why

Isipin mo muna kung bakit gusto mong magkaroon ng ipon.
  • Gusto mo bang mamuhay ng comfortable?
  •  Gusto mo bang bumalik sa Pilipinas para makasama ang mahal mo?
  •  Gusto mo bang umahon sa pagkakabaon sa utang?
  • Gusto mo ba bumili ng assets tulad ng lupa at commercial building?
  • Gusto mo bang mag aral ng masteral mo?
  •  Gusto mo bang magkaroon ng sariling business?
  • Gusto mo ba mag invest sa business ng iba?

Kapag naisip mo na kung ano ang goal mo, lagyan mo ito ng deadline.


2.     Avoid Bad Debt

May dalawang klase ng Debt. Ito ang Good Debt at Bad Debt. 

Ang Good Debt ay yung inutang mo para may magamit ka sa expansion ng iyong negosyo. 

Ang Bad Debt naman ay inutang mo for personal consumption tulad ng car, motorcycle, clothes, bags, shoes, travel, atbp.


Paano kung may gusto kang bilhin?

In case na may gusto kang bilhin for personal consumption, keep in mind na mas marami kang matitipid kung bibilin mo ang bagay na gusto mo in cash.

I know that this is easier said than done. Pero may reward sa mga taong marunong maghintay (hugot, haha)

Alam mo ba na mabibili mo lang ng 10k ang isang 30k worth na item kung babayaran mo lang ito ng cash instead of availing an installment na aabot ng 2-3 years to pay.

Nagbabago ang amount based sa price ng item na gusto mo at gaano mo ito katagal bayaran. Bottomline, ganyan pa din ang deal.


3.     Start Small

Be realistic here. I-consider mo muna kung gaano kalaki ang salary or baon mo. Then i-consider mo din ang fixed living expenses mo.

Mag simula ka munang mag save sa amount na kaya mo. Ang importante dito ay maka pag save ka kahit magkano lang.

Kapag hindi masyadong mabigat, madali kang magiging consistent.


4.     Save First, Before Spending

Important na unahin mo muna ang mag save hanggang may hawak ka pang pera.

Kailangan mo ito unahin para malaman mo agad ang budget mo for your leisure. Kapag kasi may budget ka, maiwasan mo ang overspending.

Kadalasan kasi ng mga tao na nag spend before saving, ay wala na natitira pera to save.


Observe na

Marami sa mga nananalo sa lotto, ay nagiging mahirap ulit dahil hindi marunong mag save ng pera.

Kung hindi ka marunong mag manage ng konting pera, mas mahihirapan ka mag manage ng malaking pera.

Always remember that “It’s not how much money you make. It’s how much money you save.”


What To Do Next?

1. Share this if you know someone who will benefit from this blog.

2. Comment your answer:
  • Why Did You Save?
  • What are the Saving Tips that work for you?

No comments:

Post a Comment